About Me

My photo
I am what I am. If you don't like me, turn your head and walk away. Simple as that.:D

Friday, March 25, 2011

Ang Mga Kagilagilalas na Pakikipagsapalaran ni Juan de la Cruz ni Jose F. Lacaba.

1.
isang gabing madilim
puno ng pangambang sumakay sa bus
si Juan dela Cruz
pusturang-pustura
kahit walang laman ang bulsa
BAWAL MANIGARILYO BOSS
sabi ng kondoktora
at minura
si Juan dela Cruz

2.
pusturang-pustura
kahit walang laman ang bulsa
nilakad ni Juan dela Cruz
ang buong Avenida
BAWAL PUMARADA
sabi ng bakod
kaya napagod
si Juan dela Cruz

3.
nang abutin ng gutom
si Juan dela Cruz
tumapat sa Ma Mon Luk
inamoy and mami, siopao, lumpia, pansit
hanggang mabusog
nagdaan sa Sine Dalisay
tinitigan ang litrato ni Chichay
PASSES NOT HONORED TODAY
sabi ng takilyera
tawa ng tawa

4.
dumalaw sa kongreso
si Juan dela Cruz
MAG-INGAT SA ASO
sabi ng deputado
nagtuloy sa Malakanyang
wala namang dalang kamanyang
KEEP OF THE GRASS
sabi ng hardinero
sabi ng sundalo
kay Juan dela Cruz

5.
nang dapuan ng...
si Juan dela Cruz
namasyal sa Culi-Culi
parang espadang bali-bali
YOUR CREDIT IS GOOD BUT WE NEED CASH
sabi ng bugaw
habang humihigop ng sabaw

6.
pusturang-pustura
kahit walang laman ang bulsa
naglibot sa Dewey
si Juan dela Cruz
PAN-AM BAYSIDE SAVOY THEY SATISFY
sabi ng neon
humikab ang dagat na parang leon
masarap sanang tumalon
BAWAL MAGTAPON NG BASURA
sabi ng alon

7.

bumalik sa quiapo
si Juan dela Cruz
at medyo kinabahan
pumasok sa simbahan
IN GOD WE TRUST
sabi ng obispo
ALL OTHERS PAY CASH
ang wala ng malunok
si Juan dela Cruz
dala-dala'y gulok
gula-gulanit ang damit
wala pa ring laman and bulsa
umakyat sa Arayat
ang namayat na
si Juan dela Cruz
WANTED DEAD OR ALIVE
sabi ng PC
ang walanghiyang kabataan
kung bakit sinulsulan
ang isang tahimik na mamamayan
katulad ni Juan dela Cruz

HAWLA

I
lumingon ka sa akin
himig ko'y iyong dinggin
ihanda sa laman ng damdamin

II
gusto ko nang aminin
matagal ko nang lihim
na ako sa'yo ay may pagtingin

bridge:
hahayaan ko na lang
lumipad
bagwis ng pag-ibig
kamay ay iunat

chorus:
at aasa sa paglaya
sa hawla ng takot
aasa sa simula at
sa bukas ay ako'y
maniniwala na..

at aasa sa paglaya
sa hawla ng takot
aasa sa simula at
sa bukas ay ako'y
maniniwala na..

KRIS (Mindanao Sword)


Kris, Ang Sandata Ng Mga Lutao
“Historia de las Islas de Mindanao, Jolo y sus Adjacentes”
ni Francisco Combes, SJ
Si Socsocan ng Basilan ay isa sa pinaka-sikat sa mga pinuno niCorralat. Nakaibigan niya ang mga Español na tinulungan niya bilang pinuno ng mga Lutao sa hukbong Español. Sinabing ang pangalan niya ay katumbas ng “ang sumasaksak sa kuta o pangkat ng mga kalaban”... Sicapitan Gaspar de Morales ay nahirang na admiral ng hukbong dagat ng Español sa Jolo, matapos siyang sumikat sa digmaan sa La Sabanilla at sa Jolo, kung saan siya nasugatan nang malubha. Ginawa siyangcommandante, taposgovernador ng kuta sa Jolo. Sikat sa giting bilang sundalo, sira siya at sukdulang makasalanan bilang governador. Sa kanyang pangahas at libog, dinukot niya ang anak na babae ni Dato Salibansa. Naghimagsik ang mga tagapulo at ito ang simula ng 200 taon ng pagka-hiwalay ng Jolo mula sa ibang kapuluan ng Pilipinas ... 

Ang karaniwang sandata ng mga katutubo ay ang pilipit na patalim na tinawag nilang “kris.” Ang talim nito ay may mga palamuti at maganda. Anghawakan (puño, hilt) ay karaniwang inukit na buto (marfil, ivory) subalit para sa mga mayaman at mga pinuno, ito ay gawa sa ginto, nilalagyan pa minsan ng mga alahas at mgamamahaling bato (piedra, gems). Lubhang hinahangaan ang mga ito. May nakita ako minsan, sukbit-sukbit ni Socsocan na panginuon (lord) ng Samboangan (ang Zamboangangayon) nuong salakayin at sakupin ng ating hukbong Español. Sinabing ang halaga ng kris na iyon ay katumbas ng 10 alipin (esclavos, slaves).

Pepe Gallaga: another literary work

,,Longitude: The True Story of a Lone Genius Who Solved the Greatest Scientific Problem of His Time.

Writers have long been fascinated with the centuries of effort required to devise reliable clocks, and the attendant imposition of notions like "standard" time and the time-regulated workday. The recent intellectual fashion has been to depict the development of accurate timepieces not as a convenience, but as part of the plot to divest people of their mystic connection to the pretechnological rhythms of nature by substituting a regimented clock-consciousness that served the interests of the lords of commerce. Probably the best expression of this view is Ronald Wright's beguiling 1991 book Time Among the Maya, which implausibly, if captivatingly, depicts ancient Mayan culture as more human than Ours because the Mayans believed time was not linear (tick...tick...tick) but in some vague fashion "circular" (tick ... retick ... tick). In postmodern theory, the progression from timekeeping based on sundials to giant pendulums to water engines with thousands of pieces to cheap digital devices with no moving parts is one long horror story. [Not that any intellectual would want to be late to a symposium to enounce this view.]
Yet as science writer Dava Sobel points out in her engaging and delightful new book Longitude, the big breakthroughs in clock construction came in pursuit of seafaring, not social regulation. In the 15th century, when nations began to sail the world's oceans seriously, the greatest obstacle to navigation was the inability to determine longitude (position east-west) at sea. Latitude (position north-south) could be read by observing the apparent motion of the sun. But this technique did not apply to longitude, and as a result the fleets of Europe spent inordinate time and incurred constant loss of life essentially wandering the high seas, trying to figure out where they were.
Minds as famed as Galileo, Newton, and Halley applied themselves to the problem and believed its solution lay in observation of the moon or the satellites of Jupiter. Sobel's tale concerns John Harrison, an obscure English watchmaker from a merchant-class background who believed clocks held the answer. Harrison had to battle the budding English science establishment, which wanted the solution to be based on the glamorous, aristocratic pursuit of astronomy, not the tinkerings of a mere craftsman. Sobel's story is rich with fascinating details both of scientific investigation and the bureaucratic politics of 18th-century England. Longitude is well-timed too, as the new Umberto Eco novel The Island of the Day Before features a protagonist marooned on an 18th-century vessel stocked with bizarre longitude instruments.

Valediction sa hill crest

Pagkacollect ng Railway Express sa aking things
(Deretso na iyon sa barko while I take the plane.)
Inakyat kong muli ang N-311, at dahil dead of winter,
Nakatopcoat at galoshes akong
Nagright-turn sa N wing ng mahabang dilim
(Tunnel yatang aabot hanggang Tundo.)
Kinapa ko ang switch sa hall.
Sa isang pitik, nagshrink ang imaginary tunnel,
Nagparang ataol.
Or catacomb.
Strangely absolute ang impression
Ng hilera ng mga pintong nagpuprusisyon:
Individual identification, parang mummy cases,
De-nameplate, de-numero, de-hometown address.
Antiseptic ang atmosphere, streamlined yet.
Kung hindi catacomb, at least
E filing cabinet.
Filing, hindi naman deaths, ha.
Remembrances, oo. Yung medyo malapot
Dahil alam mo na, I’m quitting the place
After two and a half years.
After two and a half years,
Di man nagkatiyempong mag-ugat, ika nga,
Siyempre’y nagging attached, parang morning glory’ng
Mahirap mapaknit sa alambreng trellis.
At pagkabukas ko sa kuwarto,
Hubo’t hubad na ang mattresses,
Wala nang kutson sa easy chair,
Mga drawer ng bureau’y nakanganga,
Sabay-sabay nag-ooration,
Nagkahiyaan, nabara.
Of course, tuloy ang radiator sa paggaralgal:
Nasa New York na si Bob and the two Allans,
Yung mga quarterbacks across the hall
Pihadong panay ang display sa Des Moines.
Don ang Cosntance aren’t coming back at all.
Gusto ko nang magpaalam–
to whom?
The drapes? The washbowl? Sa double-decker
Na pinaikot-ikot naming ni Kandaswamy
To create space, hopeless, talagang impossible.
Of course, tuloy ang radiator sa paglagutok.
(And the stone silence,
nakakaiyak kung sumagot.)
Bueno, let’s get it over with.
It’s a long walk to the depot.
Tama na ang sophistication-sophistication.
Sa steep incline, pababa sa highway
Where all things level, sabi nga,
There’s a flurry, ang gentle-gentle.
Pagwhoosh-whoosh ng paa ko,
The snow melts right under:
Nagtutubig parang asukal,
Humuhulas,
nagsesentimental.
ANG BABAENG NAGHUBAD SA DALAMPASIGAN NG OBONG
                         
 Labis ang aking pagkagitla
sa unti-unting pagkalaglag
 
ng iyong patadyong
animo’y pilantik ng pasol
sa mayamang pamana
sa maputing dibdib mo.
Kay ganda ng pagkalatag
ng dalawang biyoos,
nakausli sa may umaga
sana’y makatitiyad ako sa ibabaw
ng aking balikhaw!
O anong sarap sumigaw ng mahinahon!
Habang lumilingon-lingon ka
Kung wala bang kasalo sa iyong pagpapabaya,
Naglagitgitan ang mga dahon,
Itinulak ng lunti ang mga laya
at nakisalamuha sa lupa;
pababa ng pababa ang patadyong
kumalat ang iyong kariktan,
‘kinalong ka ng mga alon
inakay ka ng batis
ng liwanag at lilim
hinangad ang mga lusay
upang gawing pana
sa kanilang malikmata
nilathala kang walang katumbas
sa mga hangari’t panaginip
ang iyong pusod karangalan ng Ladabi,
ang iyong kinding dalisay na Sugbuanon;
ibinintang ko sa langit
ang aking kasiyahan
pagkat ng umigkas ang bingwit
iniwan mo ng taga ang aking
kasingkasing. 

Friday, March 18, 2011

. Katapusang Hibik Ng Pilipinas .♥.


Andres Bonifacio
(1896)

Sumikat na Ina sa sinisilangan 
ang araw ng poot ng Katagalugan,
tatlong daang taong aming iningatan
sa dagat ng dusa ng karalitaan.

Walang isinuhay kaming iyong anak
sa bagyong masasal ng dalita't hirap;
iisa ang puso nitong PIlipinas
at ikaw ay di na Ina naming lahat.

Sa kapuwa Ina'y wala kang kaparis...
ang layaw ng anak:  dalita't pasakit;
pag nagpatirapang sa iyo'y humibik,
lunas na gamot mo ay kasakit-sakit.

Gapusing mahigpit ang mga Tagalog,
hinain sa sikad, kulata at suntok,
makinahi't biting parang isang hayop;
ito baga, Ina, ang iyong pag-irog?

Ipabilanggo mo't sa dagat itapon;
barilin, lasunin, nang kami'y malipol.
Sa aming Tagalog, ito baga'y hatol
Inang mahabagin, sa lahat ng kampon?

Aming tinitiis hanggang sa mamatay;
bangkay nang mistula'y ayaw pang tigilan,
kaya kung ihulog sa mga libingan,
linsad na ang buto't lumuray ang laman.

Wala nang namamana itong pIlipinas
na layaw sa Ina kundi pawang hirap;
tiis ay pasulong, patente'y nagkalat,
rekargo't impuwesto'y nagsala-salabat.

Sarisaring silo sa ami'y inisip,
kasabay ng utos na tuparing pilit,
may sa alumbrado---kaya kaming tikis,
kahit isang ilaw ay walang masilip.

Ang lupa at buhay na tinatahanan,
bukid at tubigang kalawak-lawakan,
at gayon din pati ng mga halaman,
sa paring Kastila ay binubuwisan.

Bukod pa sa rito'y ang mga iba pa,
huwag nang saysayin, O Inang Espanya,
sunod kaming lahat hanggang may hininga,
Tagalog di'y siyang minamasama pa.

Ikaw nga, O Inang pabaya't sukaban,
kami'y di na iyo saan man humanggan,
ihanda mo, Ina, ang paglilibingan
sa mawawakawak na maraming bangkay.

Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog
ang barila't kanyong katulad ay kulog,
ang sigwang masasal sa dugong aagos
ng kanilang bala na magpapamook.

Di na kailangan sa iyo ng awa
ng mga Tagalog, O Inang kuhila,
paraiso namin ang kami'y mapuksa,
langit mo naman ang kami'y madusta.

Paalam na Ina, itong Pilipinas,
paalam na Ina, itong nasa hirap,
paalam, paalam, Inang walang habag,
paalam na ngayon, katapusang tawag.